
Cauayan City – Nananatili pa rin sa 5,400 ang bilang ng mga senior citizens sa lungsod ng Cauayan na tumatanggap ng pension.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Cauayan City Office of the Senior Citizens Affairs Head Edgardo Atienza Sr., nasa mahigit 16,000 kabuuang bilang ng mga senior citizens sa lungsod ng Cauayan.
Kung titingnan, maliit lamang ang bilang ng mga benepisyaryo kaya naman hindi umano maiiwasan na mayroong ilan na nagtatanong kung bakit hindi sila kasali sa listahan ng nakakatanggap ng pension.
Paliwanag ni Atienza, ang nagva-validate at nagbababa ng listahan ng mga benepisyaryo ay ang tanggapan ng DSWD, at ang trabaho lamang ng OSCA ay ang mag-assist at mag compile ng mga dokumento at listahan ng mga senior citizens sa lungsod.
Dagdag pa nito, sa ngayon ay wala pang tiyak na schedule kung kailan muli makakatanggap ng pension ang mga benepisyaryo ngunit oras na mayroong abiso mula sa itaas ay kaagad nila itong ipapaalam sa mga benepisyaryo.