All set na ang gaganaping Regionals Festival of Talents (RFOT) 2025 na pangungunahan ng Schools Division Office (SDO) Dagupan bilang host division ngayong taon.
Inilatag na ang iba’t-ibang mga aktibidad na magsisimula ngayong araw hanggang bukas, February 12.
Kinabibilangan ito ng Bayle sa Kalye, Sineliksik, Pintahusay, Folkdance, Direk Ko, Ganap Mo, Likhawitan, Histo-Pop, Read-a-Thon, Five Minute Pecha Kucha, SPFL Lingo Stars, Story Interpretation in Braille Reading, Likhakwento, Tahirawan, Bidyokasiya, Musabaqah, Numberace, Aghamazing at maraming pang iba.
Layon ng naturang aktibidad na maipakita at maipagmalaki ang husay at galing ng mga estudyante sa iba’t-ibang larangang pansining, maging ang pagpapamalas ng mga capacidad at abilidad upang mas mahubog ito tungo sa kaunlaran ng mga mag-aaral.
Lalahukan ito ng mga delegado mula sa labing-apat na SDO sa buong Rehiyon Uno.
Samantala, kasabay ng RFOT ang pagsasagawa rin ng Regionals Schools Press Conference o RSPC 2025 na dadaluhan naman ng mga nagwaging Campus Journalists mula sa nagdaang Division Schools Press Conference. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨