Bagong music video ni former One Direction member Harry Style – trending sa Youtube

84

Matapos ang halos dalawang taon, balik music scene na ulit ang dating miyembro ng sikat na bandang ‘One Direction’ na si Harry Styles.

Katunayan, trending topic ngayon sa Twitter ang bagong music video nito na “Sign of Times” na umabot kaagad sa halos 3-million views matapos na ilabas sa Youtube kahapon.

Ang music video ay kinunan sa Isle of Skye sa Scotland kung saan makikita ang mala-super hero na paglipad ni Harry at ang pagtakbo nito sa ibabaw ng tubig.

Ayon sa stunt pilot na si Will Banks, hindi ginamitan ng green screen at effects ang mga kuha kay Harry sa halip ay gumamit sila ng helicopter rope para mailipad ang singer sa taas na 1,550 feet.

Sa Biyernes naman nakatakdang illabas ang unang solo album ni Harry.

DZXL558

Facebook Comments