Nakikiusap si Officer in charge – Philippine National Police (OIC PNP) Chief, Gen. Vicente Danao Jr., sa mga kandidato na manatiling kalmado at wag paiiralin ang karahasan.
Sa Laging Handa public press briefing umapela si Gen. Danao sa mga nagtatagisang mga kandidato na wag hayaang mahaluan ng gulo o dumanak ang dugo ngayong eleksyon.
Kasunod nito, tiniyak din ni Danao na hindi ito hahayaan ng kapulisan.
Aniya nagdeploy sila ng sapat na pwersa upang mapanatili ang kaayusan sa nalalapit na halalan sa Lunes.
Nakahanda din aniya ang kanilang pwersa saka sakaling kailanganin pa ng karagdagang personnel.
Kasabay nito, nakikiusap din ang opisyal sa mga Pilipino na lumabas at makiisa sa pagboto sa Lunes.
Una nang sinabi ng PNP na mananatili silang non-partisan at susuportahan sinuman ang mahahalal na mga bagong pinuno ng bansa.