Kapakanan ng Inang Bayan, dapat alalahanin sa pagboto sa Mayo 9

Kaugnay sa pagdiriwang ng Mother’s day bukas ay binigyang papuri ni Senator Nancy Binay ang walang kapagurang paglalaan ng mga ina ng kanilang buhay para sa kanilang pamilya.

Hinikayat ni Binay ang lahat na maglaan ng panahon para pasalamatan ang mga ina sa kanilang pagsisikap, sakripisyo at pagmamahal.

Sa araw ng halalan, ay iginiit naman ni Binay na huwag din sana nating kalimutan ang ating inang bayan.


Panawagan ni Binay, ating pagnilayan ang ating pipiliing mamumuno dahil siya ang magtataguyod sa atin sa susunod na anim na taon.

Facebook Comments