Monday, March 16, 2026

BAGONG PAMASAHE SA PROVINCIAL BUS, INILABAS NG LTFRB; PAMAHALAANG LUNGSOD NG DAGUPAN, NAGPAALALA NG PAGSUNOD SA FARE MATRIX

Nagpaalala ang pamahalaang lungsod ng Dagupan sa mga operator ng provincial bus na sundin ang ipinatutupad na fare matrix kasunod ng inilabas na bagong pamasahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Epektibo na noong Marso 14, 2026 ang pansamantalang dagdag-pamasahe sa mga provincial bus matapos itong aprubahan ng LTFRB noong Marso 13.

Naglabas ang ahensya ng updated fare guide na magsisilbing batayan ng singil ng mga provincial public utility bus habang ipinatutupad ang provisional fare increase.

Ayon sa LTFRB, layunin ng hakbang na matulungan ang mga bus operator na makasabay sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa operasyon habang isinasaalang-alang pa rin ang kapakanan ng mga pasahero.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ang mga operator na mahigpit na sundin ang itinakdang pamasahe at tiyaking malinaw na nakapaskil ang fare matrix sa loob ng mga bus upang maging gabay ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments