Magsasagawa ng kanyang kauna-unahang press briefing sa Palasyo ng Malacañang sa ilalim ng Marcos Administration si bagong talagang Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Gaganapin ang Malacañang press briefing sa New Executive Building.
Sisimulan ito dakong alas-11:00 ng umaga para bigyang linaw at sagutin ni Sec. Angeles ang ilang mga isyu at katanungan ng mga mamamahayag o mga miyembro ng Malacañang Press Corps.
Una nang sinabi ni Angeles na titiyakin niya na magampanan ang kanyang commitment para mapaganda pa ang communication office ng gobyerno.
Si Angeles ay hindi na bago sa PCOO dahil nagsilbi itong social media strategist sa ahensya noong July 2017 hanggang 2018.
Facebook Comments