CARAGA, Philippines – Pinasinayaan kahapon ang bagong Philippine Science High School Caraga Region Campus sa Braangay Tiniwisan, Butuan City sa pangunguna ni DOST Sec. Fortunato Dela Peña at 1st District Agusan del Norte Cong. Law Fortun.
Ayon kay PSHS Caraga Campus Director Ruwina S. Gonzaga, ang naturang proyekto ay nagkahahalaga ng P308 milyon na pinundohan ng pamahalaan na itinayo sa loob ng may limang ektaryang lupain.
Magugunitang matapos ang ground breaking ceremony noong nakaraang taon agad na sinimulan ang konstruksyon ng nasabing proyekto at sa pagbukas ng klase sa Agusto ay magagamit na ito ng mga mag-aaral ng “Pisay” na may natatanging kakayahan sa agham at matematika.
Sa buong bansa, ika-labintatlong campus ng PSHS ang nasa Butuan. Ito ay pang-apat sa Mindanao kung saan ang naunang tatlong PSHS campus sa Mindanao ay nasa Koronadal, Baloi, Lanao del Norte at lungsod ng Davao.
Ang inagurasyon ay bahagi rin ng 5th Founding Anniversary ng Pisay CARAGA.