Para sa Kabataan Partylist, walang magagawa ang mga slogan, rebranding at kampanya para mapaunlad ang buhay ng mga Pilipino at matugunan ang mga problema ng bansa.
Giit ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel, ang dapat ay magpatupad ng tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon para sa pagkain at trabaho ng bawat pamilya.
Mula aniya rito ay mas magiging tiyak ang income ng bansa para pondohan at paunlarin ang sapat ang edukasyon, kalusugan, transportasyon at iba pang serbisyo.
Pero ang nakakadismaya, ayon kay Manuel, marami pang makabuluhang reporma ang hindi pinansin at mas nauna pang mapasa ang Maharlika Investment Scam.
Para sa Kabataan Partylist, tila puro self-promotion ang ginagawa ng administrasyon sa halip na magsagawa ng totoong serbisyo sa publiko.