GRAND LAUNCHING SMOKE FREE TANGALAN ISINAGAWA

Tangalan, Aklan – Pormal ng inilunsad sa bayan ng Tangalan ang kanilang Smoke Free Program. Pinamunuan mismo ni Mayor Gary Fuentes ang Smoke Free Grand Tangalan Parade kasama ang Tangalan PNP, Municipal Officials, Department Heads, Miyembro ng Smoke Free Task Force at Enforcers, RHU Staff at lahat na15 Barangay Councils na pinamunuan naman ng kani-kanilang Punong Barangays. Si Dr. Summer Fuentes, dating Municipal Health Officer ang siyang nagbigay mensahe kung paano ma-manage ang lubusang paghinto sa paninigarilyo at matapos kung ano ang mabuting pagbabago na dulot nito sa buhay ng tao. Pinangunahan mismo ni Mayor Gary Fuentes, ang pangako kung saan ang lahat ng guests at participants ay pumirma din para ipakita ang kanilang promisa at suporta patungo sa Smoke-Free Tangalan.
Facebook Comments