DILG Usec. Epimaco Densing III, nagpositibo sa COVID-19

60

Nagpositibo sa COVID-19 si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III.


Lumabas kaninang umaga ang resulta ng swab test ni Densing at lumilitaw na positibo ito sa COVID-19.

Ayon kay Densing, nagkaroon siya ng lagnat at ubo noong nakaraang Sabado.

Dahil inakala niya na sanhi lamang ito ng sobrang pagod ay uminom siya ng gamot.

Pero, nang hindi na nagbabago ang kaniyang pakiramdam, dito na siya nagpa-confine sa ospital.

Sa ngayon ay nanatili sa ospital si Densing at nagsasagawa na rin ng pagtunton sa kaniyang mga nakasalamuha.

Facebook Comments