BAGONG PINUNO | Sapat na pondo at mga tauhan kailangang maibigay sa bagong kalihim ng DOJ

Manila, Philippines – Para kay Senate Majority Leader Ralph Recto, hindi sapat ang pagpapalit lang ng pinuno sa Department of Justice o DOJ.

Ayon kay Recto, dapat maibigay ang pondo at mga tauhan na kailangan ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magsisimulang manungkulan ngayong araw.

Paliwanag ni Recto, sa ganitong paraan ay magagawa ni Guevarra ang layunin na mapahusay ang ahensya bilang isang mahalagang haligi ng justice system ng bansa.


Sinabi pa ni Recto, ang unang dapat gawin ni Guevarra ay punan ang mga bakanteng posisyon sa mga pangunahing tanggapan sa DOJ at humingi ng mas malaking pondo para mabili ang mga bagong gamit at gusali na kailangan sa pagtupad ng kanilang trabaho o tungkulin.

Tinukoy ni Recto na dahil sa kakulangan ng prosecutor ng DOJ ay umaabot sa 403 na kasong kriminal ang hinahawakan ng bawat isa sa mga ito habang umaabot naman sa 5,237 kliyente kada taon ang hinahawakan ng bawat public attorney nito.

Facebook Comments