AARANGKADA NA | Mga modern jeepneys, ipinapapasada na ngayong summer

Manila, Philippines – Hinimok ni I-CARE Party list Representative Carlos Uybarreta ang LTFRB na payagan nang pumasada sa lansangan ang modernong bersyon ng mga jeepneys.

Inirekomenda ni Uybarreta na ngayong summer simulan ang pagpasada sa mga modernong Public Utility Jeepneys (PUJ) upang makita kung sapat na ang bilang at matiyak ang road-worthiness ng mga ito.

Mainam din na ngayong bakasyon gawin ang pagpasada sa mga makabagong jeep upang maging pamilyar na ang publiko.


Dagdag pa ng mambabatas, habang isinasagawa ang break-ins at test-runs ng mga jeeps, dapat na ring magsimulang mag-hire ang mga operator ng mga magagalang at matitinong drivers.

Iminungkahi din ng kongresista na hayaan ang publiko na mamili ng kanilang masasakyan upang maiwasan ang iringan sa kalsada ng gobyerno at ilang mga transport sectors.

Facebook Comments