BAGONG PINUNO | Western Mindanao Command Chief Lieutenant General Carlito Galvez, itinalaga bilang bagong chief of staff ng AFP

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Western Mindanao Command Chief Lieutenant General Carlito Galvez bilang bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Papalitan ni Galvez si AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero na magreretiro sa Abril 24.


Noong Oktubre pa dapat magreretiro si Guerrero kasabay ng mandatory retirement age na 56 pero pinalawig ng anim na buwan ni Duterte ang termino nito.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na itatalaga niya si Guerrero bilang susunod na administrator ng maritime industry sa kaniyang pagreretiro sa AFP.

Si Galvez ang napili mula sa limang pangalan ng senior military officers na isinumite ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Duterte.

Facebook Comments