BAGONG PNP CHIEF? | Papalit kay Chief Dela Rosa, hindi pa kinukumpirma ng Malacañang

Manila, Philippines – Hindi pa kinukumpirma ng Palasyo ng Malacañang ang lumabas na balita na si Deputy Director General Ramon Apolinario ang ipapalit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa ngayon ay walang opisyal na anunsiyo ang Malacañang kaugnay sa magiging susunod na PNP Chief.

Nabatid na nakatakdang magretiro si Dela Rosa sa susunod na buwan kasabay na rin ng kanyang ika-56 na kaarawan.


Samantala, makakasalo naman sa hapunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong nasugatan sa Marawi City at mga nakipagbakbakan sa mga puwersa ng BIFF.

Ang mga sundalo ay mga nagpapagaling sa Army General Hospital sa Taguig at pupunta mamaya sa Palasyo.
Manunumpa din naman kay Pangulong Duterte ang mga bagong talagang opisyal ng pamahalaan at mga opisyal mula sa pribadong sector pati na ang mga bagong promote na mga general ng AFP.

Facebook Comments