Nakatakda nang itayo ang San Nicolas Polytechnic College (SNPC) matapos muling pag-usapan ng TESDA at lokal na pamahalaan ang mahahalagang pangangailangan para sa pagbubukas nito.
Tinalakay sa pagpupulong ang minimum qualifications para sa mga guro, pagkuha ng Registry of Qualified Applicants, at listahan ng mga kursong ilulunsad, kabilang ang Food and Beverage Services, Cookery, Bread and Pastry Production, Housekeeping, at Event Management.
Kabilang din sa plano ang pagbuo ng mga kasunduan sa iba’t ibang institusyon para sa OJT at job placement ng mga estudyante, pati na ang pagpapagawa ng karagdagang gusali at silid-aralan bilang paghahanda sa target na unang batch ng mga mag-aaral sa 2027.
Kasalukuyan nang sinusuri ang lote na pagtatayuan ng paaralan at pinag-aaralan ang pag-accredit sa mga Child Development Workers para sa National Certificate. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









