Manila, Philippines – Simulan na ng Philippine Overseas Employment
Administration (POEA) ang bagong recruitment process para sa Triple Win
Project (TWP).
Sa advisory ng POEA, nasa 400 bakanteng trabaho ang naghihintay sa Germany
para sa mga Pilipinong nurse.
Ang mga aplikante ay dapat na Filipino citizen, permanent resident ng
Pilipinas, nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing, mayroong nursing
license at may dalawang taong professional experience bilang nurse sa mga
ospital, rehabilitation center at care institution.
Dapat marunong din sa wikang German o handang sumailalim sa German language
training para makakuha ng language proficiency level alinsunod sa Common
European Framework of Reference for Languages.
Ang mga kwalipikadong nurse ay dapat na magparehistro online sa
www.ereqister.poea.gov.ph.
Ang matatanggap na aplikante ay magtrabaho sa Intensive Care Unit (ICU),
General at Geriatric Care Ward kung saan mayroong starting monthly salary
na €1,900 (pound) hanggang €2,300 o katumbas ng P170,000 hanggang P140,000.