Umabot na sa 2.2 milyong new registrants o bagong rehistradong botante ang naitala ng Commission on Elections (COMELEC) para makaboto sa 2022 national elections.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, ang nasabing bilang ay mula sa mga nagparehistro nitong Hulyo 1 hanggang Setyembre 30.
Sa ngayon, umabot na sa 63 milyong Pilipino ang nakapagparehistro at inaasahang madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw dahil sa pagpapalawig ng voter registration na nagsimula noong Oktubre 11 hanggang sa katapusan ng buwan.
Samantala, muling nagpaalala ang COMELEC sa mga kandidato na mahigpit na ipinagbabawal ang donasyon mula sa mga dayuhang indibidwal at kompanya.
Giit ni Comelec Spokesperson James Jimenez, maaaring maharap sa electoral offense charge ang sinumang lalabag na pwedeng magresulta sa disqualification