Bagong SRP sa mga basic necessities and prime commodities, posibleng ilabas ng DTI sa susunod na taon

Posibleng ilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong suggested retail prices (SRPs) para sa basic necessities and prime commodities (BNPCs) sa Enero 2023.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo pascual, kailangan ng sapat na panahon upang i-evaluate ang mga presyo ng mga nasabing produkto.

Dagdag pa ng kalihim, patuloy nilang mino-monitor ang presyo ng raw materials.


Nakikipag-usap na rin aniya sila sa manufacturers upang maayos na pag-aralan ang kahilingan hinggil sa adjustments sa SRP.

Matatandaang, noong Agosto pa huling naglabas ang DTI ng SRP.

Facebook Comments