Bagong taas-pasahe, permanente na – LTFRB

Magiging permanente na ang ipatutupad na bagong minimum sa pasahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula bukas.

Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil na hindi na ito makaapekto pa sa mga ipinatupad na oil price rollback kamakailan.

Gayunman, pag-aaralan pa rin ng ahensya ang pagtatakda ng akmang benchmark level, depende sa magiging paggalaw sa presyo ng langis.


Ayon kay Garafil, inabisuhan din sila ng ilang opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA) na posibleng mapako na sa $85 per barrel ang presyo ng langis sa international market at hindi ito nakikitaan ng malaking paggalaw hanggang sa katapusan ng taon.

Aniya pa, wala namang tiyak na panuntunan sa kung gaano kadalas maaaring mag-apruba ng taas-pasahe ang gobyerno.

Pero nakasaad sa Memorandum Circular 2019-035 na maaaring i-review ang fare adjustment formula kada anim na buwan depende sa sitwasyon.

Facebook Comments