Pormal nang binuksan ang bagong Department of Migrant Workers (DMW) Regional Office 1 building sa Barangay Tomana West, Rosales, Pangasinan na magsisilbing permanenteng tahanan at sentro ng serbisyo para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya sa buong rehiyon.
May lawak na 1,811 metro kuwadrado at apat na palapag ang bagong gusali. Nakalaan dito ang mga frontline service area, administrative offices, at espasyo para sa mga katuwang na ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kabilang din sa mga pasilidad na ilalaan ang multi-purpose training hall, all-gender restrooms, Gender and Development (GAD) room, child-minding room, DMW Aral-Hub para sa mga anak ng OFW, OFW Clinic, at One-Stop Service Center for OFWs.
Binigyang-diin din niya na mahalagang maramdaman ng bawat OFW na lalapit sa tanggapan ang suporta at proteksiyon ng pamahalaan, gayundin ang pagtitiyak na walang migranteng Pilipino at pamilyang maiiwan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







