Pormal ng naupo ang acting director ng Manila Police District (MPD) na si Police Col. Arnold Thomas Ibay.
Pinalitan niya sa nasabing pwesto si Police Brig. Gen. Andre Dizon na madedestino na sa Camp Crame.
Kaugnay nito, nagpasalamat si Dizon sa suporta ng buong MPD personnel sa halos isang taon mula ng maupo siya sa pwesto.
Sa mensaheng ibinigay ni Ibay, sinabi nito na pag-iigihin niya ang pamumuno bilang hepe ng MPD at saka ipinangako na susundan niya ang ang mga nagawa ni Dizon kabilang na ang mga accomplishment nito.
Humihingi rin si Ibay ng suporta sa buong kapulisan ng MPD upang ang kapayapaan at kaayusan sa buong Maynila ay mapanitili, lalo na sa seguridad ng Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) at Undas 2023.
Ilan sa tumalo sa arrival honor at turn-over ceremony si NCRPO Chief PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr., at Manila Mayor Honey Lacuna.
Kapwa inaasahan nina Nartatez at Mayor Honey na mapapanatili ni Ibay ang magandang imahe ng MPD kung saan maipagpatuloy niya ang mga programa ng Philippine National Police (PNP) para sa publiko.