Tututukan ni OWWA Deputy Executive Director Mocha Uson ang pagpapabatid sa mga OFWs ng mga programa at serbisyo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) matapos itong muling italaga sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Uson, kahit noong nasa PCOO pa siya, mahigpit na rin ang ginagawa niyang koordinasyon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, kaugnay sa concerns ng nga OFWs.
Sinabi ni Uson na masaya siyang muling nabigyan ng pagkakataon na makapagsilbi sa mga OFWs.
Para naman sa mga nagsasabing nagre-recycle ng appointees ang administrasyon, sinabi ni Uson na opiniyon lamang ito ng iilan at kalayaan nilang magpahayag ng kanilang saloobin.
Basta siya aniya, ay tututok sa kaniyang trabaho at sa pagse- serbisyo sa publiko.