Manila, Philippines – Simula mamayang tanghali, ipapatupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bagong traffic rerouting scheme sa Marcos highway.
Magpapatupad ang MMDA ng ‘no stopping zone policy’ para sa mga motorista na nagsasakay at nagbaba sa tapat ng dalawang mall sa Marcos Highway kung saan bawal ng magsakay at magbaba sa tapat ng Robinsons Metro East at Sta. Lucia East Mall.
Gagamitin na lamang loading at unloading zone ang parking area ng robinson kung saan didiretso na silang lumabas s Marcos highway.
Ayon naman kay MMDA Spokesperosn Celine Pialago, babantayan at muli nilang paaalalahanan ang mga pasahero na sumakay at bumaba sa tamang lugar.
Target ng bagong traffic scheme na maiwasan ang lalong pagsisikip ng trapiko sa lugar kung saan itinatayo ang LRT-2 East Masinag Extension.
Bagong traffic rerouting scheme, ipapatupad na
Facebook Comments