BAGONG TRAFFIC SCHEME | Mga pasaway na PUVs, nasampolan

Quezon City, Philippines – Sa kabila ng mga reklamo, tuloy sa panghuhuli ng mga pasaway na Public Utility Vehicles (PUVs) ang mga tauhan ng MMDA.

Kaugnay pa rin ito ng ipinatutupad na bagong traffic scheme sa Commonwealth Avenue at Elliptical Road sa Quezon City.

Ayon kay MMDA Supervising Officer Bong Nebrija – hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa mga motorista kaya pasensyahan na lang aniya kapag nahuli sila.


Samantala, wala pang isang oras ay umabot agad sa mahigit 40 PUV at UV express drivers ang natiketan ng MMDA.

Layon ng bagong traffic scheme na maresolba ang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar dahil na rin sa konstruksyon ng MRT – 7.

Facebook Comments