Bagong tulay binuksan sa Buldon Maguindanao

26

Pormal ng naiturn- over at binuksan sa publiko ang bagong gawang tulay sa bayan ng Buldon.
Pinangunahan ang ribbon cutting ng Kumaguingking-Rumidas Bridge ni Mayor Abolais Manalao kasama si Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan , Municipal Engineer Edris Pangunotan, Engr. Tayan Sendad mula District Engineering Office, mga opisyales ng bayan at mga stakeholders.
Sinasabing nagmumula sa DPWH ARMM ang 40 Million budget ng ipinagawang tulay mula sa fiscal year 2017 ayon pa kay Engr. Pangunotan. FFJJ Construction ang nagtrabaho sa tulay.
Lubos naman ang pagpapasalamat ng LGU sa proyektong ito. “Napakalaking tulong aniya ito para sa mga residente ng bayan “ giit pa ni Mayor Manalao.

Facebook Comments

From Advertisers