Bagong Wellness Clinic, binuksan ng Manila Health Department

16

Isang bagong Wellness Clinic ang binuksan ng Manila Health Department (MHD) sa Pandacan, Manila.

Kabilang sa serbisyong medikal na maaaring makuha sa naturang Wellness Clinic nang libre ay risk assessment o ang pag-alam sa blood pressure, blood sugar, blood cholesterol at hemoglobin.


Nagibigay rin ito ng libreng diabetic foot screening, bone scan at UTZ para sa benign prostatic hyperplasia.

Mayroon din ditong libreng screening para sa hypertension at diabetes, visual acuity o cataract screening.

Bukod dito ay mayroon ding z umba at iba pang physical activities ang wellness clinic.

Lahat ng magtutungo sa clinic ay kailangang magsuot ng face mask at face shield bilang proteksyon sa COVID-19.




Facebook Comments