Patuloy ang pagpapabuti ng Baguio City sa kanilang kahandaan sa inaasahang “The Big One” o ang malakas na lindol na posibleng tumama sa West Valley Fault.
Kaugnay nito ay inilunsad ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology’s Baguio City Ground Shaking Hazard Maps (BCGSHM) na makakatulong sa pagbigay ng impormasyon sa publiko kung paano bumuo ng earthquake-proof buildings.
Nagsagawa rin ng isang workshop ang LGU sa mga stakeholders nito upang matulungan silang mag-interpret ng mga datos na ipinakita sa BCGSHM at matansya ng mga ito kung alin sa mga istraktura ang posibleng maapektuhan ng malakas na pagyanig.
Plano rin ng lokal na pamahalaan na luwagan ang requirements nito sa mga residente upang makakuha ng building permit at patuloy ang kanilang pag-digitalize ng impormasyon hinggil sa earthquake response.
Batay sa Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) report Risk Analysis Project noong 2013, posibleng mag-iwan ng libu-libong casualties at hanggang sa daang-libong sugatan ang “The Big One”.