Mabagal na proseso sa LTO, bunsod umano ng isang computer malware

116

Posibleng computer malware o mapaminsalang software ang isa sa mga dahilan ng pagbagal ng mga proseso sa Land Transportation Office (LTO).

Mababatid kasing araw-araw nang pabalik-balik ang ilan sa ating kababayan upang magbakasali na magpa-renew ng kanilang vehicle registration.

Ayon sa LTO, ito ang nagdudulot ng pambuhos ng napakaraming transaksyon sa computer kaya nabubulunan ang sistema na nagreresulta sa pagbagal nito.


Sumaklolo na rin ito sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kung paanong maaksyunan sakaling malware nga ang puno’t dulo ng nararanasang pagbagal ng sistema.

Inihayag naman ng IT system provider ng LTO na Dermalog, posibleng inside job o pananabotahe ang nasa likod nito bunsod ng sadyang paglobo ng transaksyon tuwing office hours lamang ng tanggapan.

Sa ngayon, wala pang maibigay na petsa ang LTO kung kailan matutuldukan ang isyu kaya pinalawig muna nila ang deadline para sa vehicle registration habang naghahanap pa ng solusyon para rito.



Facebook Comments