Baguio City, sarado pa rin para sa leisure travel

Nananatiling sarado ang lungsod ng Baguio para sa leisure travel.

Sa Facebook post, sinabi ng Baguio City Government na sisimulan nang ipatupad ang revised General Community Quarantine (GCQ) guidelines sa ilalim ng Executive Order No. 51 na nilagdaan ni Mayor Benjamin Magalong.

Sa ilalim ng guidelines, tourism at leisure travels ay mananatiling suspendido hanggang sa payagan ng Department of Tourism (DOT) ang accommodation establishments na tumanggap ng mga bisita.


Sa ngayon, tanging ang mga residente ang maaaring magsagawa ng local tourism activities at staycations.

Ang mga Authorized Persons Outside Residence (APORs) na papayagang makapasok sa siyudad basta sasailalim sa triage protocols at documentary requirements.

Ang mga APOR ay ire-require na magparehistro online sa pamamagitan ng hdf.baguio.gov.ph.

Ang mga turista sa labas ng Baguio City na may pre-approved travels at mga naisyuhan ng QR-Coded Tourist Pass ay pinayuhang magpa-rebook o kanselahin ang kanilang biyahe.

Facebook Comments