Baguio LGU, sinisilip na ang pagbabalik ng commercial flights sa lungsod sa Nobyembre

Sinisilip na ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang pagbabalik ng operasyon ng commercial flights sa lungsod.

Kasunod ito ng pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay sa ilalaang 68 milyong piso Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa rehabilitation ng Loakan Airport.

Dahil dito ay target nilang maibalik ang operasyon ng paliparan sa darating na Nobyembre bilang paghahanda sa pagbugso ng turista ngayong Christmas season.


Kabilang sa rehabilitasyon na gagawin ay ang pagpapabuti ng instrument landing system (ILS) at ang pagpapahaba ng runaway ng 100 metro.

Kasama rin sa tututukan sa paliparan ang mga isyu sa drainage at ang pagtatanggal ng mga obstructions sa paliparan at ang mga istruktura sa bisinidad na kailangang gibain.

Bukod dito nagpahayag na rin ng interes ang PAL Express na mag-operate ng limang aircraft sa naturang paliparan.

Unang hinimok ni Magalong ang Department of Transportation (DOTr) noong 2019 na maglaan ng pondo upang buhayin muli ang Loakan Airport

Facebook Comments