Suplay ng kuryente sa Ilang bahagi ng Aurora at Isabela, apektado dahil sa limitadong suplay ng diesel sa planta

82

Nakakaranas ngayon ang ilang bahagi ng Aurora at Isabela bunsod ng limitadong suplay ng diesel sa mga planta.

Dahil dito, umaabot sa 12-oras o kalahating araw ang mararanasang brownout.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay Casiguran at Dilasag sa Aurora gayundin ang ilang brgy sa Dinapigue sa Isabela.


Paliwanag ng National Power Corporation (NAPOCOR), nilimitahan na lang sa 6pm to 6am ang operasyon ng planta mula sa 24-oras nitong operasyon dahil sa kakaunting stock ng diesel at hindi pa dumarating ang bagong delivery ng stock.

Nakonsumo na rin aniya ang alokasyon nila para sa Disymebre at nakadepende pa sa pagdeliver ng diesel ang pagbabalik sa normal na operasyon ng naturang planta.

Facebook Comments