Bagyong Amang, napanatili ang lakas

Manila, Philippines – Napanatili ng Bagyong “Amang” ang lakas nito pero bahagyang bumilis habang kumikilos pa-hilaga hilagang kanluran ng bansa.

Alas 4:00 kaninang madaling araw, huli itong namataan sa layong 460 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 60 kph.


Nasa karagatang pasipiko pa rin ang sentro ng bagyo at ayon sa PAGASA, hindi na ito lalakas para maging tropical storm.

Sa ngayon, nakataas ang tropical cyclone signal no. 1 sa southern portion ng Eastern Samar, southern portion ng Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Eastern Bohol at Northern Cebu.

Habang sa Mindanao, signal no. 1 din sa Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Island at Camiguin.

Mamayang hapon o mamayang gabi ay inaasahang magla-landafll ang bagyo sa pagitan ng Surigao del Norte o Siargao Island.

Facebook Comments