Bagyong Betty, mabagal pa ring kumikilos sa dagat sa silangan ng Batanes; Signal No. 2, nakataas pa rin sa Batanes

Mabagal pa ring kumikilos ang Bagyong “Betty” sa silangan ng Batanes.

Huli itong namataan sa layong 330 kilometers silangan ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito pa-hilagang-kanluran taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 130 kilometers per hour at pagbugsong 160 kilometers per hour.


Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 2 sa Batanes.

Habang signal number 1 sa:

 Cagayan kasama ang Babuyan Islands
 hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig)
 eastern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era)
 Apayao
 hilagang bahagi ng Kalinga (Tabuk City, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
 northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)

Samantala, muling bibilis ang kilos ng bagyo pa-hilaga hilagang-silangan bukas at northeastward o east northeastward sa Biyernes at Sabado.

Batay pa sa forecast track, lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi o Biyernes ng umaga.

Facebook Comments