Mga pasaherong naserbisyuhan ng Libreng Sakay ng DZXL 558 Radyo Trabaho at ACS-Shield Bath Soap, umabot sa halos 160

Umabot sa 156 na mga pasahero ang nabigyan ng Libreng Sakay ng DZXL 558 Radyo Trabaho at Radio Mindanao Networks katuwang ACS-Shield Bath Soap ngayong araw.

Mahigit walong oras din umikot ang nasabing libreng sakay na may biyaheng Boni Stop and Shop Vice Versa.

Iba’t ibang pasahero ang aming napangiti at naserbisyuhan gaya ng mga senior citizen, estudyante, mga nagtatrabaho sa pribado at pampublikong kompanya at iba pa.


Anila, malaking tulong sa kanilang gastusin sa pang araw-araw ang libreng sakay na isinagawa natin.

Mas lalo pa sila sumaya dahil sa mga natanggap na sopresa gaya ng P100 cash prize, gift packs at hygiene kits gaya ng shield bath soap, alcohol, wipes, at marami pang iba.

Muli, ang Libreng Sakay ay hatid ng RMN Networks, DZXL 558 Radyo Trabaho at ACS- Shield Bath Soap, “Napatunayang Mabisa, Nurse Tiwala”.

Facebook Comments