Bagyong Dante, bahagya pang lumakas, patuloy na magpapaulan sa limang lugar sa Mindanao

Bahagyang lumakas ang Tropical Storm “Dante” habang kumikilos pa-Hilagang Kanluran sa Philippine Sea.

Huling namataan ang bagyo sa layong 515 kilometers East Northeast ng Davao City o 445 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 km/h.


Kumikilos ito sa bilis na 20 km/h.

Dahil dito, asahan ang mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Caraga, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bukidnon at Misamis Oriental.

Mananatili ang bagyong “Dante” sa Philippine Sea sa buong forecast period pero inaasahang lalakas pa ito at magiging severe tropical storm pagsapit ng umaga ng Miyerkules.

Facebook Comments