Isa nang ganap na tropical storm ang bagyong Fabian na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
As of 5am ngayong araw, huling namataan ang bagyo sa layong 1,090 kilometers silangang hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour (km/h) at pagbugsong aabot sa 80 km/h na kumikilos pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Dahil malayo na sa kalupaan, wala nang epekto ang bagyong Fabian sa anumang bahagi ng bansa.
Pero pinapaigting naman nito ang habagat dahilan para makaepekto ang Southwest monsoon sa Metro Manila, Ilocos Region, nalalabing bahagi ng MIMAROPA, Bicol Region, nalalabing bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Laguna, Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Palawan, Occidental Mindoro at Western Visayas.
Inaasahang magiging maulan din sa nalalabing bahagi ng bansa dulot ng pinagsamang southwest monsoon at localized thunderstorms.