Lalo pang lumakas ang Bagyong Florita habang tinutumbok ang Philippine Sea.
Huling namataan ang bagyo sa layong 215 kilometro ng silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometer per hour malapit sa gitna at may pagbugsong nasa 90 KPH.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran-timog kanluran sa bilis na 15 KPH.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Wind Signal Number 2 sa mga sumusunod na lugar:
― Silangang bahagi ng Cagayan (Enrile, Tuguegarao City, Peñablanca, Iguig, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana),
― Silangan at gitnang bahagi ng Isabela (Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Maconacon, Divilacan, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas, Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, City of Cauayan, Alicia, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, Angadanan, Naguilian, Benito Soliven, Dinapigue)
― Extreme northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
― Hilagang silangan ng Quirino (Maddela)
Signal number 1 naman sa mga sumusumod:
― Natitirang bahagi ng Cagayan
― Natitirang bahagi ng Isabela
― Natitirang bahagi ng Quirino
― Nueva Vizcaya
― Apayao
― Abra
― Kalinga
― Mountain Province
― Ifugao
― Benguet
― La Union
― Ilocos Norte
― Ilocos Sur
― Hilagang bahagi ng Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis),
― Hilagang bahagi ng Polillo Island (Panukulan, Burdeos)
Asahan na ang mga pag-ulan at malakas na bugso ng hangin sa Cagayan, Isabela, Batanes, Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union.