Jaya, nakalipat na sa kaniyang bagong tahanan

59

“A new home and a new job.”

Tila nasagot agad ang panalangin ng Queen of Soul na si Jaya, na makahanap ng bagong matitirahan, matapos matupok ng apoy ang bahay ng kaniyang pamilya sa Washington D.C. sa Amerika noong August 8.

Sa Instagram post, masayang ibinahagi ni Jaya ang kanilang unang araw sa bago nilang tahanan.


Kasabay nito ay natanggap din ang asawa ni Jaya na si Gary Gotidoc ang blessing na job offer bilang electrician helper.

Lubos namang nagpapasalamat ang singer sa lahat ng nanalangin at tumulong para sa kanilang pamilya.

Facebook Comments