Bagyong Helen, Napanatili Ang Lakas

BASCO, BATANES – Hindi pa man nakakabangon mula sa bagyong Ferdie, nakataas na ulit ang signal number 2 sa Batanes Group of Islands dahil naman sa Typhoon Helen.Habang signal number 1 din sa Babuyan Group of Islands.Dahil dito, asahan ang malakas na ulan na maaring magdala ng flashfloods at landslide sa nabanggit na lugar.Huling nakita ng PAGASA ang mata ng bagyo, 610 kilometers silangan ng Basco, Batanes.Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers per hour at pagbugso na 185 Kph at kikilos ito pa-west northwest sa bilis na 22 kph.Sa forecast track, napanatili ng bagyong Helen ang lakas nito habang patuloy na tinatahak ang direksyon patungong Taiwan.Pero, mababa ang tyansa nito na maglandfall sa Extreme Northern Luzon.Kung hindi magbabago ang direksyon at bilis ng bagyo, inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (par) bukas (Martes) ng gabi.Pinalalakas din ng bagyo ang north easterly winds kung saan apektado ang northern at eastern seaboard ng Luzon.Samantala, posible rin ang mahinang ulan sa Southern at Central Luzon mamayang hapon.Hanggang gabi naman ang ulan sa ilang bahagi ng Mimaropa at Bicol Region.Dito sa Metro Manila, mataas din ang tyansa ng ulan sa buong maghapon.Sa Visayas at Mindanao, magiging maganda ang panahon maliban nalang sa isolated rainshower sa Zamboanga Peninsula, Caraga at Davao Region.

Facebook Comments