Manila, Philippines Napanatili ni bagyong Isang ang kanyang lakas.
Huling namataan ang bagyo sa layong 330 kilometers, silangan ng Basco Batanes.
Ang bagyo ay may lakas na hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 17 kph.
Nakataas ang storm warning signal number 2 sa Batanes Group of Islands.
Signal number 1 naman sa Babuyan Group of Islands.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Batanes mamayang gabi.
Bagamat walang direktang epekto ang bagyo sa ibang bahagi ng bansa, palalakasin nito ang habagat na magdadala ng pag-ulan lalo na sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.
Maaliwalas na panahon sa Mindanao pero asahan ang isolated thunderstorms.
Posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Isang sa Miyerkules ng madaling araw.