BAGYONG KARDING, POSSIBLENG MAGLANDFALL SA DIVILICAN, ISABELA

Posible umanong mag-landfall ang bagyong Karding sa Divilacan, Isabela sa Linggo, Setyembre 25, 2022.

Sa huling pagtaya ng PAGASA ang bagyong Karding ay nasa layong 1,235 km silangan ng hilagang Luzon taglay ang hangin na 65km/h malapit sa gitna at may pagbugso na hanggang 80km/h.

Ito ay kumikilos pakanluran sa bilis na 10km/h na maaaring itaas hanggang severe tropical category.

Kaugnay nito nagpaalala ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Isabela na ang lalawigan ay nakakaranas ng malakas na pag-ulan dulot ng paparating na Bagyong Karding at Southwest monsoon (Hanging Habagat).

Pinag-iingat din ng PDRRMO ang publiko at pinayuhang manatiling mapagmatyag dahil maaari magdulot ang bagyo ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang lugar.

Pinapaalalahanan din ang mga motorista na mapapadaan sa Isabela na doblehin ang ingat sa pagmamaneho dahil sa madulas na mga lansangan.

Facebook Comments