Posible muling maranasan ngayong tag-ulan ang mga bagyong kasing lakas ng bagyong Ondoy.
Ang Ondoy ay tumama noong 2009 na nagpalubog sa ilang lugar sa Metro Manila at karating lalawigan dahil sa maraming dalang ulan.
Ayon kay DOST-PAGASA Administrator, Dr. Vicente Malano – katumbas ng isang buwang ulan ang ibinuhos ng Ondoy kasabay ng El Niño.
Babala ni DOST-PAGASA Deputy Administrator for Operations and Service, Dr. Landrico Dalida Jr. – dahil sa epekto ng El Niño, mas pinapainit nito ang temperatura sa Pacific Ocean kung saan namumuo ang mga malalakas na bagyo.
Posibleng manatili ang El Niño hanggang Agosto.
Facebook Comments