Bagyong Kristine, nakalabas na ng PAR

Nakalabas na ng bansa ang Typhoon Kristine.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,140 kilometers hilangang silangan ng dulong hilagang Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 215 kph.


Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Samantala, Southwest Monsoon naman ang nakakaapekto sa kanluran bahagi ng Central at Southern Luzon.

Dahil dito, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila at natitirang bahagi bansa dulot ng localized thunderstorm.

Nakataas naman ang gale warning sa seaboards ng Batanes at Cagayan kasama ang Babuyan Islands kaya pinapayuhan ang mga may maliliit na sasakyan pandagat na huwag munang pumalaot.

Facebook Comments