MANILA – Itinaas na ng PAGASA ang tropical cyclone warning signal number 4 sa Southern Cagayan at Isabela.Ito ay dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong Lawin na ngayon ay taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 220 kph at pagbugsong 305 kph.Inaasahang idedeklara na ng PAGASA bilang isang super typhoon si Lawin sa susunod na mga oras.Huling namataan ang sentro ng bagyo sa 385 km East Ng Casiguran, Aurora.Napanatili naman nito ang kilos sa bilis na 26 kph sa direksyong West Northwest.Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 3 sa bahagi ng Cagayan, Apayao, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao, Quirino at Northern Aurora.Signal number 2 sa Calayan Group of Islands, La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora at Tarlac.Nakataas naman ang signal no. 1 sa Batanes Group of Islands, Zambales, Pampanga, Bulacan, Bataan, Northern Quezon kabilang ang Polillo Islands, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes.Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio tinutumbok ng mata ng bagyong Lawin ang Cagayan at Isabela kaya posibleng isailalim pa ito sa signal no. 5 mamayang hapon.Inaasahang lalabas naman si Lawin sa Phil. Area of Responsibility sa Biyernes ng umaga.
Bagyong Lawin , Lalo Pang Lumakas At Posibleng Ideklara Nang Supertyphoon Southern Cagayan At Isabela Na Tinutumbok Ng B
Facebook Comments