Bagyong Neneng, nag-landfall na sa Calayan, Cagayan matapos maging Severe Tropical Storm; Ilang bahagi ng Batanes at Babuyan Islands, nakataas na sa signal no. 3

Nag-landfall na ang Bagyong Neneng sa Calayan Island Cagayan kaninang dakong alas 3:50 ng madaling araw matapos na lumakas bilang Severe Tropical Storm.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour at pagbugsong 115 kilometers per hour.

Kumikilos ito sa pa-kanluran Hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.


Dahil sa paglakas ng bagyo, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa:

  • Southern portion ng Batanes (Basco, Mahatao, Uyugan, Ivana at Sabtang)
  •  Babuyan Islands.

Signal No. 2 naman sa:

  • Natitirang bahagi ng Batanes
  • Natitirang bahagi ng Cagayan
  • Apayao
  • Hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Lagayan)
  • Ilocos Norte

Habang signal number 1 sa:

  • Northern at central portions ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu, Roxas, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, San Manuel, Aurora, Luna, Cabatuan, San Mateo, Dinapigue, City of Cauayan)
  • Kalinga
  • Nalalabing bahagi ng Abra
  • Mountain Province
  • Northern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista, Mayoyao, Hungduan, Banaue)
  • Northern at central portions ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Caoayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio del Pilar, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Salcedo, Cervantes, Suyo, Sigay, Santa Cruz)

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.

Posibleng lumakas pa ang bagyo bukas habang kumikilos ito sa Hilagang bahagi West Philippine Sea.

Facebook Comments