Cauayan City, Isabela – Pinaghahandaan na ng pamahalaang panlungsod ng Cauayan ang pagdating ng bagyong ompong na maaring dumating anumang oras ngayon o sa mga susunod na araw.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Cauayan City Mayor Bernard Dy ay sinabi nito na handa na umano ang lahat ng ahensya sa lungsod lalo na ang mga relief goods na dadalhin sa mga evacuation centers na pangungunahan ng DSWD.
Aniya pinaghahandaan narin ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO ang mga gagawing pagresponde sa panahon ng bagyo.
Nakatakda naman umano na magpadala ng dalawang rescuer ang rescue team ng Cauayan City na isa sa karagdagang bubuo sa mga composite team na manggagaling sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Isabela.
Samantala nagkaroon parin ng pagpupulong kaninang umaga ang pamahalaang panlungsod ng Cauayan sa pangunguna ng CDRRMO kaugnay sa paghahanda ng pananalasa ng bagyong si ompong.