Nanawagan ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa mga lokal na pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga bata at buntis na inilikas dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong.
Ayon sa UNICEF, ang mga bata at mga buntis ang madalas na naaapektuhan sa tuwing may kalamidad.
Bukod dito, nakahanda na ang UNICEF sa pagbibigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyo.
Nabatid na bago pa man tumama ang bagyo, nakapreposisyon na ang supplies ng UNICEF kung saan nakalaan ito para sa may 12,500 na pamilya.
Facebook Comments