MASAMANG PANAHON | Licensure exam para sa mga doktor, kanselado

35

Suspendido ngayong araw ng Sabado (September 15) at Linggo (September 16) ang physicians licensure examination.

Sa abiso ng Professional Regulation Commission (PRC), pansamantalang kinansela ang nasabing pagsusulit na gaganapin sa Maynila, Baguio, Cebu at Davao.

Ito ay dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Ompong na nag-landfall simula pa kaninang madaling araw.

Inihayag ng PRC na kanila na lamang iaanunsyo kung kailan muli itatakda ang naturang licensure examination.

Facebook Comments