FIBA | Meralco Bolts, mapapalaban ng husto sa FIBA Asia Champions Cup

18

Mapapalaban ng husto ang Meralco Bolts matapos mapabilang sa group B ng FIBA Asia Champions Cup na gaganapin sa Nonthaburi, Thailand.

Kasama ng Bolts sa grupo ang reigning champion na Al Riyadi ng Lebanon, Alvark Tokyo ng Japan at Mono Vampire Basketball Club ng Thailand.

Nabatid na ang Al Riyadi ay dalawang beses nang nagkampeon sa nasabing tournament kung saan nakuha nila ang huling titulo noong 2017 nang ilampaso nila ang China Kashgar.

Habang ang Alvark Tokyo ay kapapanalo pa lamang sa ginanap na Japan’s B League matapos nilang talunin ang Chiba Jets.

Runner-up naman ang Mono Vampire noong 2017-2018 ABL Season nang matalo sila ng San Miguel Alab Pilipinas sa best-of-five series.

Isasalang ng Bolts ang line-up nito sa governors’ cup kung saan kasama si Allen Durham at kasalukuyan din silang naghahanap ng isa pang-import para isama sa tournament na magsisimula sa Setyembre 27 hanggang Oktubre 2.

Facebook Comments